DAGUPAN CITY–Binawian na rin ng buhay ang isa sa mga biktima ng pamamaril sa isang birthday party dito sa lungsod ng Dagupan na una ng ikinasawi ng 2 katao kamakailan.

Ilang araw munang inobserbahan ang biktima na agad dinala sa pagamutan matapos magtamo ng sugat sa naturang pamamaril bago binawian ng buhay.

Matatandaan na agad nasawi sa naturang pamamaril ang 2 biktima kung saan sinasabing nagkaroon ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga ito at ang suspek na di na rin pinangalanan na napag alamang dating kawani ng gobyerno.

--Ads--

Matatandaan na sa pakikipagpanayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lt. Col. Abubakar Mangelen Jr hepe ng Dagupan City PNP, nangako umano ang mga kaanak ng suspek na isusuko nila ito sa kapulisan ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa nangyayari.

Base sa nauna ng imbestigasyon at nakalap na testimonya sa may ari ng tahanan kung saan naganap ang insedente, ang mga biktima at suspek ay bisita sa birthday party kung saan nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng mga sangkot.

Umalis umano ang suspek ngunit bumalik kinalaunan at bigla na lamang sinuntok ang isa sa mga biktima.

Dito na nakialam na umawat ang 2 pa sa mga biktima na nauwi sa pamamaril ng suspek.