Dagupan City – Napuno ng kaalaman ang naging usapan kahapon sa ikatlong araw ng Media Conference na dinaluhan ng ilang media outlet mula Rehiyon 1, 2 at 3 kung saan tinalakay dito ang patungkol sa Food Consumption.
Unang tinalakay ang tungkol sa Overweight and Obesity sa pangunguna ng Philippine Association for study of overweight and obesity kung saan ito ay isang sakit batay sa chronic positive energy balance.
Maituturing itong sakit dahil may mga stage na rin ito na nakadepende sa pagkakaroon pa ng ilang mga komplikasyon kung saan ito ang ika-7 sa mga risk factor sa pagkakasawi ng isang indibidwal.
Batay sa datos, 6 out of 10 sa mga tao o nasa 66.3% sa mga Pilipino ay overweight o obese at malaki rin ang nagiging sanhi nito sa ekonomiya ng bansa kaya hinihikayat ang ilan na imonitor ang kanilang timbang o tinatawag na visceral fat na siyang dahilan ng pagiging mataba.
May dalawang dahilan umano ang pagiging overweight o obese, una rito ay ang Endogenous na nakapaloob dito ang genetic predisposition, epigenetic, family profile, physiological, endocrine abnormalities at iba pa habang ang isa naman ay ang Exogenous na tumutukoy naman sa lifestyle, food intake, occupation etc.
Kung saan ang normal Body Mass Index ng isang indibidwal ay nasa 18.5-22.9 kg/m2 habang ang normal waist circumference naman gaya sa lalaki ay nasa 34.5 inches habang sa babae naman ay nasa 31.5 inches.
Sa kabilang banda ay tinalakay din ang mga tools for healthy eating sa pangunguna gaya ng mga dapt gawin sa tamang pagkain ng mga go, grow at glow foods at mga hakbang para mabigyan ng kaalaman ang mga magulang lalo na sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga comic books, puzzle games at iba pa upang maituro ang tamang pagkain ng masusustansya para sa kanilang kalusugan.
Binahagi rin sa araw na ito ang tungkol sa Front and back package labelling sa mga nabibiling pagkain sa merkado dahil ito ay makakatulong sa pagdetermina ng mga mamimili kung maayos pa sa food consumption ang nilalaman ng mga pagkaing nabibili sa merkado sa kanilang kalusugan batay sa kanilang mga nararanasan.