Dagupan City – Sinimulan na ang ikalawang Medical-Surgical Outreach Program ng “See Pangasinan Operation Klaro” sa Don Leopoldo Sison Convention Center sa lungsod ng ALaminos.

Ang programa ay naglalayong magbigay ng libreng operasyon sa mata sa mga nangangailangan sa Distrito Uno ng Pangasinan.

Ito ay Pinangunahan nina 1st district Congressman Arthur F. Celeste, Gobernador Ramon V. Guico III, Mayor Arth Bryan C. Celeste ang alcalde ng sa lungsod, at dating PCL Pangasinan President Arthur C. Celeste Jr. Katuwang ang International Academy of Medical Specialist (IAMS) sa lungsod upang magbigay ng medical assistance sa mga senior citizens at mahihirap na residente na may problema sa paningin.

--Ads--

Ang pitong-araw na medical-surgical mission ay sinimulan sa isang banal na misa at programa na may dalawang araw na eye screening at limang araw na operasyon at upang makamit ang isang malusog na komunidad.