Dagupan City – ‎Isinagawa ang ika-walong job fair ngayong taon sa Dagupan City sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO), katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Layon nitong makapaghatid ng trabaho sa mga fresh graduate, first-time job seekers, at mga nais muling makapasok sa workforce.

Ginanap ang job fair sa lungsod ng Dagupan, kung saan nagtulungan ang iba’t ibang ahensya tulad ng Department of Migrant Workers (DMW) at TESDA upang magbigay ng impormasyon hinggil sa kanilang mga programa.

Bukas ito sa lahat ng aplikanteng nais makahanap ng lokal o overseas employment.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng patuloy na hakbang upang maibaba ang antas ng unemployment sa lungsod. Kasabay ng pagbibigay ng trabaho, isinulong din ang suporta sa edukasyon at skills training bilang tulay patungo sa mas pangmatagalang kabuhayan.

Lumahok ang ilang kumpanya at institusyon mula sa iba’t ibang sektor upang tumanggap ng aplikante. Inaasahang makatutulong ito sa paglikha ng mas maraming oportunidad sa lungsod at pagbibigay ng panibagong pag-asa para sa mga Dagupeño.

--Ads--