DAGUPAN CITY- Ipinagdiwang din sa Tondaligan Beach, sa syudad ng Dagupan ang ika-80 anibersaryo ng pagdating ni Gen. Douglas McArthur.
Pinangunahan ito ni Mayor Belen Fernandez, Vice Mayor Bryan Kua, at ang ilang mga opisyal ng lungsod.
Layunin ng pagdiriwang na maipadama sa mga tao sa lungsod ang kaganapan sa kasaysayan partikular na ang paglanding ni Gen. McArthur.
Pagbibigay rin ng halaga sa naging kontribusyon ni McArthur sa bansa at pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga mananakop noong World War II.
Magsisilbi rin itong paalala sa mga kabataan ng kahalagahan ng kalayaan at sakripisyo ng mga bayani.
Nakibahagi naman dito ang mga kabataan, mga miyembro ng PNP Dagupan, Bureau of Fire Protection, at mga mangingisda.
Samantala, bumuhos naman ang ulan habang ginaganap ang naturang okasyon.
Gayunpaman, nagtulong tulong ang mga dumalo upang maitayo ang mga tent at magkaroon ng masisilungan ang mga tao.