Ipinagdiriwang ngayong araw ng lungsod ng Dagupan ang ika-78 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito.

Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng sabay-sabay na programa at serbisyo gaya ng Sulong Dagupan Unliserbisyo Caravan na pinangunahan ni Mayor Belen Fernandez.

Ayon sa alkalde na nauna na silang nagsagawa ng wreath laying sa bantayog ni Speaker Eugenio Perez upang pagtanaw sa naging ambag nito bilang ama ng Dagupan.

--Ads--

Sumunod dito ang tree planting sa Tondaligan Blue Beach malapit sa Dumpsite na siyang pinapaganda para sa turismo ng lungsod.

Nasa mahigit 1500 mga puno ang itinanim katuwang ang nasa 1700 na kalahok gaya ng mga miyembro ng ibat ibang ahensya, sektor at boluntaryong grupo.

Ipinagmamalaki nitong binanggit na maraming programa ang ginanap dito gaya ng turn-over ng 5 mga sasakyan na ibinigay sa 5 barangay
Gaya ng Bonuan Gueset, Bolosan, Pantal, Lucao at Malued na siyang tututok sa kanilang mga cluster para sa kalamidad kung saan may kasama pang training.

Bukod dito, may isinagawa din na libreng kasal kung san nasa 36 na mga magkasintahan ang nag-isang dibdib sa kaganapan.

Kabilang din ang mga serbisyong medical, turnover ng mga kagamitan sa agrikultura, libreng legal na tulong, orientation, financial assistance at iba pa.

Isa sa mga bago ngayon na tinututukan ng lungsod ay ang Zero Open Defecation na pinangunahan ng CHO Sanitation Division sa pamumuno ni Arminda F. Claveria Sanitation Inspector V dito na nasa 35 ang nabigyan nila ngayong araw ng gamit sa pagsasagawa ng palikuran ngunit nasa kabuuang 256 na benepisyaryo sa walong barangay gaya ng Lomboy, Salapingao , Salisay , Bolosan , Pugaro , Caranglaan, Mangin at Tambac upang hindi na magkaroon ng masamang epekto ang kakulangan ng palikuran sa kanilang lugar.

Mahalaga aniya ito dahil mas mababawasan ang mga sakit na maaring makuha sa hindi tamang pagtatapon ng dumi.

Ipinagpapasalamat naman ni Florinda Doria, isa sa benepisyaryo ng Zero Open Defecation na malaking bagay na sa kanilang ang mga kagamitan sa pagpapagawa ng palikuran.

Hindi na aniya sila makikigamit sa kanilang kapitbahay dahil may bago na silang magagamit.

Sisimulan na aniya nito ang paggawa dito upang mapakinabangan na.

Sa kabilang banda, nag-alok naman ang DALAGA o ang Dagupan Lesbian and Gay Association ng libreng gupit sa mga dagupeño at nag-aalok din sila ng libreng pakilay.

Ayon kay Danny Estayo Jr. Ang Secretary ng nasabing asosasyon na lahat ng kasarian ay kanilang inaalok nito upang matulungan sa kanilang wellness.

Ibinahagi pa nito na nasa higit 1000 na ang kanilang miyembro na nasa edad 18 pataas habang kung isasali ang nasa edad 15 pataas ay aabot sila ng lima hanggang 6 na libo.

Nagpapasalamat ito na malaki ang nagiging bahagi nila sa mga ganitong kaganapan dahil nagkakaroon sila ng pagkakataon para makatulong sa kanilang kababayan.

Sa pangkalahatan, ang ika-78 anibersaryo ng Dagupan ay isang tagumpay na pagdiriwang na nagpakita ng pagkakaisa, pag-unlad, at pag-asa para sa kinabukasan ng lungsod. Ito ay isang araw na hindi malilimutan ng mga Dagupeño, isang araw na nagpapatunay sa kanilang pagiging matatag at maunlad na komunidad.