Dagupan City – Isinagawa ang unang aktbibidad ng Bonuan first baptist church ngayong taon sa Tondaligan beach bilang bahagi ng kanilang ika-75 Anibersayo.
Ayon kay Ruben De Vera – Sr. Pastor ng (BFPC), buwan ng Nobyembre pa umano ang kanilang pinaka-anibersaryo, ngunit dahil ito ang kanilang 75th o Diamond Anniversary, buong taon aniya sila magseselebra at kada buwan na magsasagawa ng mga programa o aktibidad.
May tema rin sila kada taon at ang tema nila ngayong taon ay “Send the Light” na tumutukoy sa pagpapalaganap ng mensahe ng liwanag ng Diyos, na kumakatawan sa Kanyang mga turo, pag-ibig, at kaligtasan.
Binigyang diin din dito ni Sr. Pastor De Vera ang kanilang ipinagmamalaking programa na kung saan ay tinutulungan nila ang mga kabataan sa kanilang pangunahing pangangailangan.
Ang mga benepisyaryo nito ay mula edad 5 hanggang 21 taong gulang na kung saan ay tumatanggap sila ng suporta kada buwan at naka-enroll sa Compassion Philippines, isang organisasyon na nakikipagkoordina sa mga simbahan upang tulungan ang mga kabataan sa kanilang pangangailangan.
Kabilang na rito ang pang-edukasyon, na kanilang tinutulungan sa mga gastusin lalo na ang mga nasa kolehiyo na nakakatanggap ng pangdagdag tuition kada termino at allowance naman kada buwan.
Sa ngayon ay maroon din silang 6 na scholar ng simbahan na kanilang inihahanda para maging isang public servant.
Dagdag pa niya na ang isa rin sa kanilang tinututukan ang pamimigay ng tulong pang-kalusugan o medikal. Halimbawa nito ay sasagutin ng organisayon ang 90% na bayarin sa mga ospital o klinika.
Gano’n na rin ang kanilang pagtutok sa 4 na aspeto ng buhay na Physical, Emotional, Socio-Emotional Intellect, at Spiritual.
Isa nga sa mga isinagawang aktibidad dito ay ang Family Day at Fun Run o Fam Run 2025.