Isang masayang birthday greetings ang natanggap ng Basketball player na si Kobe Paras matapos nitong ipagdiwang ang kanyang ika-27 kaarawan.

Sa soicial media, isang mensahe ang ibinahagi ng ina ni Kobe na si Jackie Forster.

Kung saan ay mababasa rito ang muling pagpapaalala ni Jackie kung gaano niya kamahal ang anak, at ang unti-unti na ring pagtupad ng kaniyang mga dasal sa anak na si Kobe. Habang nagbiro naman ang nakatatandang kapatid ni Kobe na si Andre Paras sa ina.

--Ads--

Sa kabilang banda, nag-post din si Kyline sa kanyang social media story ng side-view photo ni Kobe. At biro ng nitizens, kinakailangan mo pang i-zoom ang larawan para makita ang tatlong letrang mensahe ni Kyline, na siyang ni-repost naman kaagad ni Kobe sa kaya ring social media platform at may kasama pa itong emoji na smiling face with heart emojis.

Samantala, hanggang sa kasalukuyan naman ay hindi pa rin umaamin sina Kobe at Kyline sa kanilang totoong estado.