Matagaumpay na natapos ng Pilipinas kasama ang United States at Australia ang ika-16 na Multilateral Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea na siyang unimpigahan nitong Abril 9 hanggang Abril 12.

Ayon kay Armed Forces of the Philippine (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang MMCA na ito ang ikalawang pagsasanay na siyang dinaluhan ng US At Australia kung saan ibinida ng mga bansang ito ang kanilang iba’t ibang assets.

Nakiisa sa pagsasanay ang mga barko ng Pilipinas na BRP Rajah Sulayman mula sa Philippine Navy at ang BRP Melchora Aquino na siya namang mula sa Philippine Coast Guard habang ginamit rin sa MMCA ang FA-50, C-208B Super Tucano aircraft at isang Sokol search-and-rescue helicopter mula sa Philippine Air Force.

--Ads--

Sa kabilang banda, ipnadala ng US ang kanilang USS Ashland (LSD-48) habang itinalaga naman ng Australian Defense Force ang kanilang HMAS Toowoomba (FFH156) na siyang suportado ng MH-60R chopper at isa pang P-8A Poseidon Aircraft.

Isinagawa naman sa naturang pagsasanay ang iba’t ibang mga maritime drills gaya ng replenishment-at-sea approaches, communications exercises, maritime domain awareness activities, tactical manuevering, night operations at flyby drills.

Sa huli, nangako ang AFP na patuloy na magsasagawa ng ganitong mga pagsasanay para sa mas pinalakas na ugnayan ng Pilipinas sa iba pang kaalyadong bansa.

Layon aniya nito na tiyakin ang maritime security, maproteksyunan ang pambansang interes at makibhagi sa pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa Indo-Pacific Region.