DAGUPAN CITY- Bilang pagdiwang ng ika-128 anibersaryo ng kamatay ni Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani ng bansa, nagsagawa ng seremonya o wreath-laying rites sa bayan ng Sta. Barbara.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa Public Plaza ng Poblacion Norte ng nasabing bayan.
Mayroon naman itong tema na “Rizal sa Bagong Pilipinas: Buhay at Aral Aming Nilalandas.”
Sa pamamagitan nito, naipapakita ang kahalagahan ng pagiging bayani ni Rizal dahil sa kaniyang mga ideya at mga aral na naging dahilan ng pagiging matibay at pagkakaisa ng bansa.
Inaalala rin dito ang mga sakripisyo ni Rizal para lamang ipaglaban ang makatarungang lipunan.
Samantala, nakiisa naman sa nasabing programa ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan , Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Human Resource Management Office (HRMO), Public Employment Service Office, Municipal Engineering, Municipal Administrator, Veterans Office, Sta. Barbara PNP, ilan mga School Heads, Federation of Sr. Citizens, BHW Federations, Civil Society Organization (CSO), Civilian Volunteer Organization (CVO), at ilang mga residente ng Sta. Barbara.