Nag-alay ng bulaklak ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan sa pangunguna ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim sa bust-memorial ni late Speaker of the House of Representatives of the Philippines Eugenio Padlan Pérez sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay Lim, maituturing na ‘significant’ ang pagseselebra ng kapakanakan ng unang national figure mula sa naturang lungsod upang magunita ang kanyang kabayanihan at kontribusyon sa kanilang lugar at maging sa Pilipinas lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Si Perez ang may-akda ng isang batas na nagsulong na gawaing siyudad ang Dagupan sa pamamagitan ng Republic Act No. 170 na nilagdaan naman ni dating Pangulong Manuel Roxas noong June 20, 1947.
Magugunitang sa pamamagitan ng Republic Act 6721, tuwing November 13 ay idinedeklarang special non-working holiday sa probinsya ng Pangasinan upang ipagdiwang ang kapakanakan ng nabanggit na dating house speaker.
Matatandaang nanungkulan si Perez bilang house speaker ng bansa mula 1946 hanggang 1953 at naglingkod din bilang Tagapagsalita ng Kabahayan ng mga Kinatawan ng Pilipinas.