BOMBO DAGUPAN – “Para tayong minamaliit ng higanteng bansa.”

Yan ang naging pahayag ni Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional Lawyer sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya ukol sa pagpapatupad ng China ng 4 na buwan na fishing ban kung saan kabilang ang maritime zone ng ating bansa.

Aniya na kapag inaresto ang ating mga mangingisda at ilalagay sa korte ay magtataas ito ng kamalayan sa kung ano ang kanilang ginagawa. Kung saan ay magiging hamon din ito sa atin dahil mapipilitan tayong humingi ng tulong gaya na lamang sa Estados Unidos.

--Ads--

Bagama’t ang mga kilos nila aniya ay nasosobrahan na dahil gusto lamang nating mangisda sa ating nasasakupang karagatan ngunit maging iyon ay tila ipinagkakait nila.

Kaugnay nito ang nakikita niyang dahilan sa likod ng banta ng China ay dahil na rin sa potential na maraming gas at langis sa bahagi ng ating nasasakupang karagatan.

Samantala, mahirap man umano na magbigay ng solusyon ukol dito ay mainam na magkaroon ng mutual defense treaty gayundin ang paghingi ng tulong sa Estados Unidos sakaling magkaroon ng invasion sa ating mga main islands sa West Philippine Sea.