Pormal nang sinimulan ng International Criminal Court (ICC) ang presentasyon ng mga ebidensya laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman sa madugong drug war ng kanyang administrasyon.

Sa pag-usad ng pagdinig, pinangunahan ni ICC Deputy Prosecutor Mandiaye Niang ang pagbibigay ng opening statement kung saan inihain niya ang overview of the evidence sa hukuman.

Ayon kay Niang, ang hakbang na ito ay isang mahalagang bahagi ng paghahanap ng hustisya para sa libu-libong biktima na nasawi sa ilalim ng kampanya kontra-droga ng nakaraang gobyerno.

--Ads--

Nagbigay rin ng babala ang opisyal na walang sinuman ang maaaring makatakas sa pananagutan.

“Today marks an important day for international justice, for the people of the Philippines, for the victims, and for this court…It is also a reminder that those in power are not above the law.”- Prosecutor Mandiaye Niang.

Ang isinasagawang imbestigasyon ng ICC ay naglalayong tukuyin ang posibleng pananagutan ni Duterte at ng kanyang mga dating opisyal.

Hinihintay naman ang magiging hakbang at opisyal na tugon mula sa kampo ng dating pangulo hinggil sa mga inilatag na paratang.