Inilabas na ng International Criminal Court (ICC) Office of the Prosecutor ang mga detalye ng kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasaibng dokumento ay inihain ng Office of the Prosecutors na naglalaman ng mga krimen na gagamitin ng Pre-Trial Chamber.
Ang Document Containing of the Charges (DCC) ay basehan para sa confirmation of charges hearing.
Base dokumento na pinapanagot ng prosecutors ang dating pangulo sa mga sumusunod na kaso:
1. Murder bilang crime against humanity sa Davao City noong ito ay alkalde sa pagitan ng 2013 hanggang 2016.
2. Murder bilang crime against humanity laban sa “high value targets” mga iba’t-ibang lugar sa Pilipinas noong ito ay pangulo mula 2016 hanggang 2017.
3. Murder at attempted murder bilang crimes against humanity sa barangay clearance operations sa iba’t-ibang lugar sa bansa noong ito ay pangulo mula 2016 hanggang 2018.
Inilahad pa ng prosecutors ang 49 na insidente na nagsusuporta sa kaso kung saan mayorong kabuuang 78 na biktima , 19 biktima sa count 1; 14 biktima naman sa count 2 at 45 biktima naman sa count 3.
Makikita sa dokumento na si Duterte ang nasa likod ng nasabing mga kaso dahil sa paglalaan ng pondo, paglalagay ng mga tao para maisakatuparan nito ang ‘war on drugs’ niya.
Kasabay din ito ay inilabas ng prosecution ang “Pre-Confirmation Brief” na nagbibigay ng mga detalyadong paliwanag ng prosecutions sa mga ebidensya at argumento na nagsusuporta sa mga kaso laban kay Duterte.
Magugunitang inilaan sana ngayong Setyembre 23 ang confirmation of charges hearing ng dating pangulo subalit ipinagpaliban ito ng depensa dahil sa nagkakaroon ng isyu sa kaniyang kalusugan ang dating pangulo kung saan hindi niya maalala ang mga pangyayari at nagiging ulyanin na ito.