Hindi inaprobahan ng International Criminal Court (ICC) ang personal na pagbisita kay dating Pangulong Rodrigo Duterte habang isanasagawa ang apat na araw na pre-trial “confirmation of charges” hearings laban sa dating Pangulo.

Ayon sa pamilya ni Duterte tanging tawag lamang sa telepono ang pinayagan ng ICC.

Habang kumpirmado naman na anim na abogado ang dadalo sa pagdinig upang masiguro na maipresinta ng maayos si Duterte ng mga abogadong Pilipino. Kinabibilangan ito nina, Atty. Salvador Medialdea, Atty. Martin Delgra III, Atty. Silvestre Bello III, Atty. Alfredo Lim Jr., Atty. Caesar Dulay, Atty. Salvador Panelo.

--Ads--

Kaugnay nito, pinasalamatan ng pamilya Duterte ang legal team ng dating Pangulo sa kanilang patuloy na serbisyo pati na rin ang Filipino community sa The Hague na sumusuporta at nagmamalasakit kay Duterte.

Samantala, isasagawa ang confirmation of charges hearings simula Pebrero 23 hanggang 27. batay sa website ng ICC magsisimula ito ng 10 a.m hanggang 3 p.m sa The Hague at 5 p.m hanggang 10 p.m naman sa Pilipinas.