Dagupan City – Pabor ang IBON Foundation sa deficit spending hinggil sa paglakas ng ekonomiya ng Pilipinas ng 6 percent sa second quarter ng taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sonny Africa, Executive Director ng IBON Foundation, maaring isa ito sa daan tungo sa mas malakas na ekonomiya ng bansa.
Nangangahulugan na maaring gumawa o magproduce ng pera ang Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) at papautangin nito ang pamahalaan.
Kahit ano kasi ang ulat aniya ng pamahalaan gaya na lamang ng posibleng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa 6 percent ng second quarter ng taon at ang paglakas ng Philippine peso kontra US dollar ay tila wala pa rin itong saysay dahil hindi naman ito nararamdaman ng mga ordinaryong Pilipino.
Katawa-tawa rin aniya ang nangyayaring pilit na pagkuha sa sobrang budget ng PhilHealth ngunit de hamak na mas malayo naman ang ilalaang budget nito sa 2025.
Dagdag pa nito, kataka-taka rin ang ginagawang mga building o infrastructure rennovations at projects na malapit sa mga nakaupo sa pamahalaan.
Aniya, kung sana’y inilaan na lamang ito sa pondo ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) marami pa sana ang nakinabang sa pondo.
Binigyang diin naman nito na tutukan ang kagawaran ng mga ito at sana’y huwag bawasan pa ang budget para sa kanila at ang galawin sana ay ang budget para sa imprastraktura.