DAGUPAN CITY–Ipinakita sa publiko ang mga iba’t-ibang makabagong uri ng sasakyan na isinusulong gamitin sa bansa bilang bahagi ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernezation program ng pamahalaan dito sa lungsod ng Dagupan.

Sa pamamagitan ng isang road show kaugnay ng isinagawang One time, Big time National simultaneous launch ng Modern PUV Caravan na may temang ‘Arangkada ng Pagbabago tungo sa Kaunlaran’, ipinarada ang mga makabagong uri ng sasakyan na katulad ng bus, van at mga taxi sa mga pangunahing kalsada dito sa lungsod.

Iginiit ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) – Region I Director Nasrudin Talipasan, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, na napakahalaga ng naturang aktibidad upang maintindihan ng mabuti ng publiko ang layun at kahalagahan ng naturang programa.

--Ads--

Kasunod nito, ipinagmalaki naman ni Talipasan, na kasaysayan kung maituturing ang pagkakaroon ng taxi hindi lang sa ciudad kundi sa Region 1, dahil ito aniya ang kauna-unahang pagkakataon na ipatutupad ito.