DAGUPAN, CITY— Hinikayat ng ilang mga grupo sa iba’t ibang sektor sa bansang Amerika ang mga botante roon na huwag na muling ihalal si Donald Trump bilang presidente ng Estados Unidos.

Sa bahagi ng naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent Isidro Madamba Jr., kanyang ibinahagi ang ulat na higit 700 mga ekonomista kabilang ang ilang noble prize winners sa bansa ang nagpahayag ng panawagan na huwag nang mareelect si Trump dahil sa anila’y “managerial incompetence” kaya’t lubos umanong naapektuhan ang ekonomiya ng kanilang bansa.

Ayon kay Madamba, base sa pahayag ng mga ito, simula umano nang maupo ang kasalukuyang presidente sa pwesto ay nabigo umano ito na mapataas o mamintina ang ang ekonomiya ng kanilang bansa na siyang pinakamakapangyarihang nasyon sa mundo.

--Ads--
Tinig ni Bombo International Correspondent Isidro Madamba Jr. mula sa California, USA

Bukod pa umano rito, maging ang ilang mga retired generals mula sa kanilang armed forces at maging ang mga national senior advisers ang hindi sang-ayon kay trump dahil naman sa naging aksyon nito sa usaping militar.

Ito ay dahil na rin sa paggamit nito sa militar sa pagtaboy ng mga raliyista sa #BlackLivesMatter simula nang makitil ang buhay ng Black-American na si George Floyd.

Tinig ni Bombo International Correspondent Isidro Madamba Jr. mula sa California, USA

Dagdag pa ni Madamba, malinaw na para kay Joe Biden ang California dahil ito ang home state ni Kamala Harris, na siya namang ka-tandem nito sa democrat party.