BOMBO DAGUPAN – Maraming mga salik na nakakaapekto sa pagpapalaki ng bangus.
Ayon kay Dr. Westly Rosario, Chairman ng Board of Fisheries, Professional Regulation Commission sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, maraming nag aalaga sa bangus sa ibat ibang parte ng bansa dahil bukod sa masarap na ay naiiba ang lasa nito.
Pero kung ikukumpara noon kung saan hanggang apat na buwan lamang ang pag-aalaga sa bangus, ay mas matagal ang pagpapalaki ngayon na umaabot ng pitung buwan.
Dati aniya ay local distribution lang pero ngayon ay nag eexport na ang bansa kaya kailangan ng malalaking bangus.
Kabilang pa sa salik sa pag-aalaga ng bangus ay ang nararanasang gaya ng ibat ibang klima kaya minsan nakakaranas ng fishkill, problema sa kalidad ng tubig na nakakaapekto sa pag laki ng isda, mababang oxygen level, at gayundin ang mahal na presyo ng feeds na pinapakain sa mga ito.
Matatandaan na ipinahayag ng isang malaking fish grower sa Pangasinan na posibleng magkaroon ng shortage sa bangus kapag kalahati sa kanilang mga kasamahan sa industriya ay tumigil sa produksiyon dahil sa pagkalugi at krisis.