Naka alerto ang iba’t ibang miyembro ng Response Cluster ng Pangasinan PDRRM Council na kinabibilangan ng PNP, AFP, BFP at PCG, bilang paghahanda sa anumang emergency dulot ng Bagyong Maring.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Shalom Balolong, head ng Early warning section ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Pangasinan, preparado na ang mga sasakyan na kinabibilangan ng mga dumptrucks na gagamitin sa preemptive evacuation, at may naka standby na team ang PNP, PCG, BFP at Philippine Army.

Tuloy tuloy aniya ang pagpapatrolya ng mga kasapi ng PCG para matiyak na walang pumalaot na mangingisda.

--Ads--

Hanggang kagabi nasa below normal level pa ang ang Sinukalan at Marusay River pero inaasahan na ang pagtaas nitong araw.

Habang ang taas ng tubig sa San Roque dam ay nasa 269.61 meters above sea level.

Asahan na aniya ang pagtaas nito dahil sa walang tigil na pag ulan.

Shalom Balolong, head ng Early warning section NG PDRRMO

Dagdag pa ni Balolong na na base sa naging pahayag ng PAG-ASA ay magtatagal ang pag ulan ng ilang araw kaya naman mataas ang tsansa ng mudslide at landslide.

Minomonitor nila ang mga mabababang lugar sa lalawigan.

Base sa initial report nila ay may nangyaring landslide sa isang barangay sa bayan ng Sison. Pero wala namang nasaktan sa pangyayare dahil isang parte lang ng daan ang naapektuhan.

Shalom Balolong, head ng Early warning section NG PDRRMO