DAGUPAN CITY- Isinagawa ngayong araw ang iba’t ibang kpmetisyon sa bangus rodeo bilang bahagi sa pagdiriwang ng bangus festival dito sa lungsod ng Dagupan.

Kabilang na dito ang longest bangus, heaviest bangus, prettiest bangus, fastest bangus eater, fastest bangus deboner at bangus classifier na nilahukan ng mga residente sa lungsod.

Ayon kay Mae Ann Salomon ang siya naming Head ng Dagupan City Agriculture Office, mahala at malaking tulong ito para sa mga magbabangus dito sa lalawigan ng Pangasinan lalo na dito sa lungsod ng Dagupan na kilala sa may pinakamasarap na bangus.

--Ads--

Sa pamamagitan din ng mga aktibidad na ito ay naipapakita ang iba’t ibang kakayahan ng mga bangus grower pagdating sa pag-aalaga at pagpapalaki ng mga bangus.

Dagdag pa aniya na aabot sa mahigit 20,000 na piraso ng bangus ang iihawin sa kalutan ed dalan sa araw ng Miyerkules.