DAGUPAN CITY- Iba iba ang antas ng pinsala ang naitala sa mga sakahan sa bayan ng San Fabian, buhat ng mga nagdaang kalamidad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Johnny Jugo Paraan, Municipal Agriculturist ng San Fabian, karamihan sa mga tanim sa San Fabian ay mga bagong tanim o bagong punla.

May ilang lugar na itinuturing na low lying areas kaya naapektuhan ang kanilang mga sakahan dahil sa dami ng tubig na bumaha.

--Ads--

Base sa mga agricultural technologist, magkakaiba ang antas ng pinsala sa bawat sakahan.

Isa rin sa mga ipinatutupad sa kanilang lugar ay ang “no fishing policy” na naglalayong siguraduhin ang kaligtasan ng mga mangingisda.