Ibinahagi ng Civil service commission Filed Office Western Pangasiann ang mga nakalatag na aktibidad at mga programa ngayong ika-125th na anibersaryo ng civil Service commission paar sa buong ilocos region.

Ayon kay Rommel Rivera, senior specialist ng tanggapan, nagsimula pa noong Agosto bente otso ang kanilang mga aktibidad at magtatagal ngayong buwan ng setyembre kung saan ang tema ngayong taon ay ‘Bawat kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan.

Aniya na ang selebrasyon na to ay pagbabalik tanaw sa uanng selebrasyon ng ahensya at kung kailan din ito naitatag.

--Ads--

Nilalayon nito ang pagpapanatili ng integridad, tapat, maayos at mahusay na pagbibigay serbisyo sa publiko at lalong Lalo na sa para sa Pilipinas.

Bukod dito ay ipinagdiwaang at binibigyang pagpugay ang mga kontribusyon ng mga empleyado sa bansa.

Ang selebrasyon na ito may mahalagang aspeto para sa lahat

Kabilang sa calendar of activities ng anibersaryo ay government job fair, bloodletting activity, tree planting, coastal clean-up, medical mission and community outreach, regional recognition at awards rites at marami pang iba mula sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon.