DAGUPAN CITY–Isasailalim sa surveillance ang iba pang backyard hog raisers sa barangay linoc , Binmaley matapos na magpositibo sa sakit na African Swine Fever ang 21 baboy sa lugar.

Ayon kay doctor Jovito Tabarejos, ang Assistant Provincial Veterinary Officer ng Pangasinan ,sa ngayon ay nagsasagwa na strict surveillance at sinisugurong walang pinapalabas na mga baboy sa lugar .

Under surveilance din ang mga karating barangay na Canaualan at Manat.

--Ads--

Una rito, isinagawa na ang culiing sa 21 baboy na nagpositibo sa sakit na African Swine Fever sa barangay Linoc sa bayan ng Binmaley.,

Ayon kay Tabarejos, ito ay kasunod ng pagpositibo sa ASF ng ilang blood samples na kinuha sa ilang mga alagang baboy doon.

Sa inilabas na resulta mula sa 33 blood samples ng mga baboy, 21 ang nagpositibo.

Magbibigay nman ng tulong pinansyal sa apektadong hog raiser ang LGU Binmaley ng 1000 cash per head ng culled pigs, 1,000 mula sa provincial government at 5000 naman mula sa Department of Agriculture.