Dagupan City – Arestado ang isang high-value individual (HVI) matapos ang ikinasang magkasanib na operasyon kontra ilegal na droga ng Binmaley Municipal Police Station (MPS) at Pangasinan Police Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU) noong Nobyembre 7, 2026 sa bayan ng Binmaley.
Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 60 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱408,000. Narekober din ng mga operatiba ang buy-bust money at iba pang ebidensiyang may kaugnayan sa operasyon.
Alinsunod sa itinakda ng batas, isinagawa ang wastong pagmamarka at pag-iimbentaryo sa mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga sa presensiya ng naarestong indibidwal at mga kinakailangang saksi.
Dinala naman ang suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensiya sa kinauukulang awtoridad para sa dokumentasyon at pagsasagawa ng kaukulang legal na proseso.
Patuloy namang hinihikayat ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng agarang pagsumbong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya hinggil sa anumang impormasyong may kaugnayan sa ilegal na droga upang makatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa komunidad.










