Dagupan City – Tahasang inihayag ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na umano’y may ilang Duterte supporters na nagbabayad ng malaki upang gumawa ng kathang-isip na kuwento laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Castro, may mga naniniwalang bahagi ito ng umano’y destabilisasyon na iniuugnay kay Mike Defensor at ilan pang personalidad.
Iginiit din ni Castro na nagsasalita lamang siya bilang tagapagsalita ng Pangulo at hindi tungkol sa mga alegasyon laban sa ibang tao.
Nanawagan siya sa publiko na huwag magpalinlang sa ganitong mga plano dahil maaari umanong madamay ang mga inosenteng tao.
Dagdag pa niya, nasa Office of the Ombudsman na ang usapin kaugnay ng imbestigasyon sa Maleta Boys at sa mga pangalan na naiuugnay sa kaso, kabilang si dating Speaker Martin Romualdez.
Inihayag din ni Castro na ang pag hire ng mga indibidwal para siraan si Pangulong Marcos ay bahagi ng isang destabilization plot.
“ Nakikita naman natin ang style ng mga Duterte supporters kung paano sila mag-hire ng mga tao na gumawa ng kathang-isip na kwento kapalit ang malaking halaga, laban sa Pangulo. Marami nakakaramdam na parte ito ng plano ni Mike Defensor at ibang kasamahan niya para sa isang destabilisasyon,” pahayag ni USec. Castro.










