Tiniyak ng hanay ng Kapulisan na makakamit ang hustisya sa pamilya ng apat na taong gulang na batang babaeng ginilitan at ginahasa sa isang maisan sa Brgy. Reynado, Bayambang, Pangasinan.

Ayon kay PMaj. Ria Tacderan ang siyang Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office na na nakahanda na ang mga kasong isasampa laban sa 49 taong gulang na suspek na kumpare ng mismong ama ng biktima.

Base aniya sa kanilang imbestigasyon ay lango sa alak ang suspek na residente ng Barangay Hermosa sa naturang bayan.

--Ads--

Paglalahad ni Tacderan na nangyari ang insidente ng gabi bago ang libing ng lolo ng ama ng biktima kung saan ay tumulong pa aniya ang suspek sa pagkatay ng baboy.

Aniya na dahil abala ang mga tao sa bahay ng biktima ay naiwang mag-isa ang apat na taong gulang na bata sa loob ng kanilang bahay na dahilan upang samantalahin ng suspek ang pagkakataon para maisagawa ang krimen.

TINIG NI PMAJ. RIA TACDERAN

Nakita umano sa pinangyarihan ng insidente ang mga balat ng candy kung kaya naman inaalam pa sa ngayon kung may pinangako ba ang suspek sa biktima o sapilitan itong dinala sa naturang maisan.

Kaugnay nito ay mahigpit ngayong nagpapaala ang naturang opisyal sa mga magulang na huwag hahayaang maiwang mag-isa ang kanilang mga menor de edad na mga anak lalo na’t kadalasan sa mga salarin ng mga kaso ng panggagahasa ay pawang kakilala pa ng mga biktima.