Naglandfall na ang hurricane Polo sa northern Pacific coast ng Mexico.
Nagdala ito ng matinding pag-ulan sa Baja California Sur na may malakas na hangin at pag-ulan.
May taglay ang nasabing bagyo ng lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometers per hour.
--Ads--
Patuloy ang pagtahak ng nasabing bagyo sa Baja California Sur at sa bahagi ng southern Mexican state na Sonora.
Pinayuhan ng mga otoridad ang mga residente na lumikas na.
Ayon sa US-based National Hurricane Center na kahit na inaasahan na hihina ang hurricane Polo habang patungo sa Baja California peninsula ay inaasahan na ito lalakas pa sa ikalawang landfall nto sa mainland Mexico. Via Bombo Jovino Galang










