ERIN

DAGUPAN CITY- Tuluyan nang humina ang Hurricane Erin at lumihis na ng daan patungong Virgin Islands, ayon sa National Hurricane Center.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa USA, bagaman hindi na ito didirekta sa Estados Unidos ay magdudulot pa rin umano ito ng delekadong kondisyon sa karagatan ng East Coast.

Aniya, pinapayuhan ang publiko na iwasan muna ang paglapit sa karagatan dahil sa malalakas na alon.

--Ads--

Nakatulong naman ang maagang pag-ulat sa publiko hinggil sa pagdating ng bagyo para maiwasan ang pamiminsala nito.

Hindi rin naman umano gaano naramdaman ang lakas nito, maging sa East Coast at ilang bahagi ng Estados Unidos.

Sa kasalukuyan, maayos na rin ang kanilang nararamdamang panahon.