BOMBO DAGUPAN -Umabot na sa category 5 ang hurricane beryl kung saan pumapalo sa 160 mph ang taglay na lakas nito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Alan Tulalian, Bombo International News Correspondent in Trinidad and Tobago na ito ang unang napakalakas na bagyo na pumasok sa buwan ng hunyo sa nasabing bansa.
Aniya na naramdaman ang hagupit nito lalo na Canouan island sa st.vincent and the grenadines dahil doon naglandfall ang nasabing bagyo kung saan wasak na wasak ang lugar at parang nayolanda.
Kaugnay nito ay may mga punong kahoy din na natumba, nasirang mga bubong at nawalan din ng kuryente at signal.
Hindi naman gaanong naapektuhan ang kaniyang lugar na kinaroroonan subalit nagkaroon parin ng mga maliliit na storm surge.
Samantala, 1933 pa huling nakaranas ng malakas na hurricane sa kanilang bansa subalit handa naman daw sila bagama’t ay kada taon namang may dumadaan na bagyo dito.
Sa kasalukuyan ay hindi pa inilalabas ang total damage ng mga naapektuhan na kabahayan at aniya ay wala namang naapektuhan na mga Pilipino.