Humigit-kumulang 80 mga senior citizens at Persons With Disabilities (PWDs) na distress Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Bahay Kalinga sa Riyadh, bansang Saudi Arabia ang humihiyaw ng tulong sa Pangulong Rodrigo Duterte na sila ay mabigyan ng exit visas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Baltazar Severo Cantiller, kabilang sa mga nasambit na mga distress OFW, nais nilang mabigyan sila ng amnesty ng nasabing bansa dahil sa mga magkakaibang kasong sa kanila ay ipinataw.
Isa sa mga 19 na senior citizen na kasama ni Cantiller na naninirahan at nakikipagsiksik din sa iisang kwarto ay nagbahagi rin ng kaniyang kwento na ito ay nasangkot sa aksidenteng hindi naman umano nito kasalanan ang pagkakabangga ng sasakyan sa kaniyang likuran at pinagbabayad pa ng kaniyang amo ng P185,000 na kaniyang hindi mabayadan dahil sa kasalatan ng pinansyal na pagkukunan.
Ibinahagi rin ni Cantiller na mayroon pang isang senior citizen na siya namang itinakbo sa ospital makaraang ito ay ma-stroke.
Kahapon din aniya ay mayroon namang dinala rin sa pagamutan maglaong ito ang hinihinalang may COVID-19.
Dagdag pa ni Cantiller na labis-labis ang kanilang pagkabahala bunsod ng pangambang sila ay maituturing ding vulnerable sa pandemyang kihanakarap ng bansang Saudi Arabia dahil sa COVID-19.