BOMBO DAGUPAN – Humigit kumulang 50 na mga Overseas Filipino Workers sa Israel ang nakatakdang umuwi sa bansa sa darating na Miyerkules.

Ayon kay Shay Kabayan- Bombo International News Correspondent sa Israel sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, subalit kung may umuuwi ay mayroon pa ring mga kababayan natin ang bumabalik sa Israel na buong tapang na hinaharap ang hamon sa buhay.

Matatandaan ang gobyerno ng PIlipinas ay patuloy na nagsasakatuparan ng repatriation bilangg tulong at suporta para sa ating mga kababayang Pilipino sa Israel.

--Ads--

Samantala, sinabi ni Kabayan na walang negosasyon ang Israel at Hamas ukol sa ceasefire na hinihingi ng Hamas.

Dagdag pa niya na madalas ang nangyayaring protesta dahil magpahanggang ngayon ay wala pang napapalaya na mga bihag na mga Israeli na natitira sa kamay ng Hamas.

Hindi rin aniya pumapayag ang Israel na ihinto ang laban o digmaan hanggat hindfi mapapalaya ang mga bihag.