Humigit-kumulang 30 na indibidwal sa bayan ng Basista ang nasampahan na ng karampatang kaso dahil sa magkakaibang paglabag sa protocols ng ipinapatupad na Extreme Enhanced Community Quarantine sa Lalawigan ng Pangasinan.

Ang mga nasabing indibidwal ay lumabag sa iba’t ibang direktiba gaya na lamang ng pagususgal, hindi pag-oobserba ng social distancing, hindi pagsusuot ng face mask, at pag-inom o pagbebenta ng alak.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt. Arturo Melchor Jr., hepe ng Basista Police Station sinabi nitong tuloy tuloy ang pagtutok at mga operasyon ng kanilang hanay sa mga residenteng lalabag sa mga umiiral na patakaran upang maiwasan na ang pagkalat ng kaso ng coronavirus sa kanilang bayan.

--Ads--

Aniya, kamakailan lamang ay may nahuli sila na lumabag sa illegal gambling sa barangay Obong.

Samantala ayon pa sa opisyal na base sa impormasyon mula sa Department of Interior and Local Government (DILG), tsaka lamang maisasampa ang kaso sa mga lumabag sa mga protocols pagkatapos ng ating kinakaharap na krisis sa COVID-19.