Tinatayang nasa humigit-kumulang 3.6-M katao ang nawalan ng kuryente sa Houston, Texas sa bansang Amerika dahil sa naranasang snowstorm.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Cyril Bulawin mula sa Waco, Central Texas, ang Houston ay nasa southern part na at dapat umano sana ay bahagyang maaliwalas na panahon na lamang doon lalo pa’t malapit ito sa dagat ngunit, isa pa ito sa naging higit na apektado ng pagbayo ng niyebe at yelo.

Ngunit pagpapasalamat ang mga kababayan natin doon na nasa kalahati na rin umano nito ang bumalik na ang kanilang power supply.

--Ads--

Patungkol naman sa kakulangan ng suplay ng tubig, ito aniya ay dahil pumutok ang mga tubo na daluyan ng tubig dahil sa lamig at walang deliveries sa mga pamilihan dahil hindi naging ligtas ang pagbalagtas ng kakalsadahan bilang epekto ng snowstorm.

Bombo International Correspondent Cyril Bulawin

Bagaman ganoon, unti-unti ng nagbabalik normal ang sitwasyon doon makaraang umaliwalas ang panahon sa nabanggit na estado.