Nasawi ang humigit kumulang 18 katao habang hindi bababa sa 10 ang nasugatan matapos ang isang trahedya sa New Delhi Railway Station.

Kung saan libu-libong tao ang nagtipon sa istasyon noong Sabado ng gabi habang sinusubukan nilang sumakay sa mga tren na naantala.

Apat sa mga biktima ay mga bata, habang 10 naman ay mga babae, ayon sa inilabas na listahan ng mga opisyal.

--Ads--

Nagpahayag naman ang Punong Ministro ng India na si Narendra Modi ng pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay sa isang post sa X.

Ang mga insidente ng crowd crush ay madalas na nangyayari sa India dahil sa madalas na overcrowding sa mga relihiyosong okasyon, pista, at pampublikong lugar.

Ang insidente ay naganap ilang linggo matapos ang pagkamatay ng 30 tao matapos ang pagdagsa ng tao sa Kumbh Mela, isang relihiyosong festival sa hilagang India, kung saan milyon-milyong mga Hindu ang nagtipon upang maligo sa mga banal na tubig ng ilog sa isa sa mga banal na araw ng anim na linggong okasyon.