DAGUPAN CITY– Nakumpiska ang humigit kumulang 100 kilo ng bulok na bangus sa siyudad ng Alaminos dito sa lalawigan ng Pangasinan .

Sa isinagawang oplan sita ay nadiskubre ang pagbiyahe ng mga bulok na bangus na nakalagay sa limang styro box at isang banyera.

Isinakay ito sa isang tricycle na minamaneho ni Joe Dela Cruz at financier nitong si Janet Dela Curz Barreto na residente ng Poblacion Sual.

--Ads--

Walang maipakitang kaukulang dokumento ang mga naarestong suspek .

Sa isinagawang iksaminasyon, napag-alaman na bulok na ang mga bangus at hindi na ligtas na kainin.

Nahaharap naman sa kaukulang kaso ang mga suspek partikular na sa paglabag sa Philippine Fisheries Code.