Humigit kumulang isang kilo ng ipinagbabawal na marijuana na aabot sa halagang P120,000 ang nakumpiska ng mga kapulisan sa bayan ng Pozorrubio.
Ayon kay Police Major Ria Tacderan – PIO PNP Pangasinan, nitong June 21, nahuli sa barangay Bubunan, Pozorrubio, ang hindi pa pinangalanan na 24 anyos nursing student mula sa lungsod ng Baguio.
Isinagawa umano ang hot pursuit operation ng mga pinagsanib na puwersa ng PNP Pozorrubio, Provincial Dfrug Enforcement unit, Provincial Intelligence Unit at iba pa.
Nakumpiska ng mga kinaookolan mula sa suspek ang humigit kumulang isang kilo ng ipinagbabawal na marijuana na aabot sa P120,000, dalawang tablets na hinihinilang ecstacy na may halagang P3,500, buy bust money, at cellphone.
Kasakuluyang nasa kustodiya na ito ng PNP Pozorrubio at nahaharap sa kaokolang kaso.
Sinabi ni Tacderan na maituturing na isang napakalaking accomplishment ng PNP sa kampanya laban sa illegal na droga ang pagkakakumpiska ng malaking volume ng illegal na droga sa nasabing bayan.