Kinompirma ng National Bureau of Investigation na talamak pa rin ang prostitusyon at Human Trafficking dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Mark Caseres tagapagsalita ng NBI Dagupan, inihayag nito na sa kabila nang umiiral na batas, marami pa rin umano silang nasasagip o narerescue na mga kababaihan na karamihan ay nagtratrabaho bilang mga malalaswang entertainer sa mga bars sa iba’t ibang munisipalidad dito sa probinsya.

Karamihan naman aniya sa mga ito ay mga kabataan na nasa edad dise otso anyos pataas. Pahayag pa ni Caseres, nire-recruit ang mga nasabing kabataan sa sa pamamagitan ng mga pangakong bibigyan sila ng magandang trabaho.

--Ads--

Samantala, mula Enero hanggang ngayong buwan ng Mayo ay nakapagtala na umano ang NBI Dagupan ng anim na kaso ng Human Trafficking. WITH REPORT FROM BOMBOP CHERYL ANN CABRERA