DAGUPAN CITY- Matagal na dapat naghigpit ang pamahalaan sa mga Pilipino na illegal na lumalabas sa bansa upang mapigilan na ang pambibiktima ng human trafficking.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Emer De Lina, National Coordinator ng Migrante Philippines, matagal na itong nangyayari at sa katunayan ay nauna na rito ang kamakailan narepatriate na mga Pilipino mula sa Cambodia.
Aniya, napipilitan lumabas ng bansa ang mga Pilipino at nabibiktima ng ilegalidad dahil sa kahirapan sa bansa at kakulangan sa sapat na trabaho na amy disenteng sahod.
Gayunpaman, sinisisi ni De Lina ang pamahalaan dahil bukod sa sinasabing paghigpit ay wala naman silang pinapanagot.
Tila naghuhugas kamay lamang ang pamahalaan dahil paulit-ulit lamang sila ng sinasabing gagawin aksyon.
Kaya panawagan nila na maparusahan ang mga agency at maging ang immigration dahil nakakalusot lamang ang pagpasok ng ilegalidad sa bansa.
Sila rin umano ang mismong namamantala sa kapwa nila Pilipino para makalikom ng pera upang gamitin sa pagkuha ng sarili nilang student visa patungong Canada.
Maliban pa riyan, sang-ayon si De Lina sa deployment ban sa mga bansa na madalas nabibiktima ang mga Pilipino ng human trafficking.
Hindi naman sila sang-ayon sa pagpapakulong ng mga nabiktima ng nasabing iligalidad, katulad na lamang sa nararanasan ni Mary Jane Veloso.
Dapat lamang na mabigyan ng kalinga mula sa pamahalaan ang mga nabiktima at hatiran ng reintegation program.
Panawagan na lamang niya sa mga Pilipino na pag-aralan ang mga karapatan at manatiling dumaan sa tamang proseso upang maiwasan mabiktima ng human trafficking.