DAGUPAN CITY — Human error ang nakikitang dahilan ng Dagupan City PNP sa nangyaring aksidente na kinasasangkutan ng truck ng Waste Management Division (WMD) partikular na sa New De Venecia Diversion Road.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Police Lt/Col. Jandale Sulit, Chief of Police ng Dagupan City Police Station, na lumalabas na pagkakamali ng driver ang insidente bagamat aminado ito na accident prone area ang lugar idagdag pa ang madulas na kalsada dala ng naranasang pag-ulan sa lungsod.
Aniya pupunta sana ng Brgy. Pugaro, ang truck sakay ang driver at isang pahinante nito na kapwa sugatan para magkolekta ng basura subalit nakaidlip at madulas ang daan kayat nawalan ng control sa manibela ang driver.
Mariin namang pinabulaan ni Sulit ang sinasabing dahilan ng driver na may iniwasan umano itong nakalaylay na kable ng kuryente. Giit ng Hepe dahil sa pag-ulan ay una na silang nagsagawa ng inspeksyon sa lugar upang matiyak ang kaligatasan ng lahat at wala naman aniyang nakitang nakalaylay na kuryente bagkus ay pagkatapos nalamang nang aksidenteng kinasasangkutan ng truck ng WMD na tila nagdulot ng domino effect sa kasunod naman na shuttle bus ng PMA na naaksidente naman dahil sa pag-iwas sa kable ng kuryente. (with reports from Bombo Cherryl Ann Cabrera)