Bubuksan ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang huling pagdinig sa imbestigasyon nito kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa ika-26 ng Nobyembre.

Sinabi ni Sen. Risa Hontiveros sa isang press briefing, may hawak sila na bagong impormasyon sa mga espiya mula China sa mga gambling sites.

At sa pagdinig ay kanilang tatalakayin ang mga “loose ends” kaugnay sa naturang usapin.

--Ads--

Kaugnay nito, naniniwala si Hontiveros na may kakulangan sa polisiya ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-ban ng POGO sa bansa.

May kinakailangan pang malinaw sa inilabas na executive order na maaaring ginagamit ng mga POGO para magtago.

Kaya sa susunod na pagdinig ay kanilang ilalahad ang mga reporma sa batas na kinakailangan maisulong sa senado dahil sa mga iregularidad at kakulangan sa polisiya.

Samantala, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, na nagkukunwaring mga resort at restaurant ang mga POGO sa bansa upang itago ang kanilang mga ilegal na operasyon.

Dahil dito, maglalabas sila ng memorandum circular para paalalahanan ang mga alkalde sa kanilang tungkulin na inspeksyunin ang mga business establishments sa kanilang mga nasasakupan.