Isa sa mga huling mensahe mula sa limang kataong tripulante ng Titan submersible bago ito sumabog, na ikinamatay ng lahat ng sakay, ay “all good here” o maayos dito, ayon sa isang pagdinig na isiniwalat.

Ayon sa mga imbestigador ng US Coast Guard, ang mensahe ay kabilang sa mga huling komunikasyon sa pagitan ng Titan at ng mother ship nito, bago sila tuluyang nawalan ng koneksyon.

Ipinakita rin sa pagdinig sa unang pagkakataon ang isang imahe na kuha ng isang remotely operated vehicle, na nagpapakita ng buntot ng Titan na nakalapag sa sahig ng karagatan matapos itong sumabog.

--Ads--

Ang deep-sea vessel ay wala pang dalawang oras sa pagbaba patungo sa lumubog na barko ng Titanic nang ito ay sumabog noong Hunyo 2023.