Nahigitan ng Houston Rockets ang Golden State sa 91-90 na iskor para sa kanilang unang panalo laban sa Warriors magmula noong 2020 upang umabante sa semifinals ng NBA Cup, habang umusad ang Atlanta Hawks kasunod ng come-from-behind victory kontra New York Knicks.

Umiskor si Alperen Sengun ng 26 points at humugot ng 11 rebounds upang pangunahan ang Rockets at nagdagdag si teammate Jalen Green ng 12 points, kabilang ang game-winning free-throws, may 3.5 segundo ang nalalabi.

Tinapos ng Houston ang 15-game losing streak sa Warriors mula pa noong February 2020.

--Ads--

Naisaayos ng Rockets ang NBA Cup last-four showdown laban sa Oklahoma City Thunder sa Las Vegas sa Sabado, kung saan makakaharap ng Hawks ang Milwaukee Bucks.

Humabol ang Atlanta, sa pangunguna ni New York nemesis Trae Young na may 22 points at 11 assists, mula sa 10-point third-quarter deficit upang gapiin ang Knicks, 108-100, sa Madison Square Garden.

Nanguna naman si Josh Hart para sa Knicks na may 21 points.