Naghain si Quezon City Rep. Jose Chaves Alvarez ng isang House Resolution na humihiling ng imbestigasyon sa System Loss Charges sa electric bill upang matiyak kung patas, malinaw at sapat pa rin ang proteksiyon nito sa mga consumer.

Ayon kay Alvarez, mahalagang magsagawa ng pagdinig habang may mga panukalang batas na naglalayong tuluyang alisin ang system loss charges.

Sa imbestigasyon, inaasahang iimbitahan ang Energy Regulatory Commission, transmission provider, distribution utilities, electric cooperatives, consumer groups at iba pang stakeholder upang ipaliwanag kung paano kinukuwenta ang system loss charges at kung naaayon pa ito sa umiiral na batas.

--Ads--

Layunin din ng inquiry na alamin kung kailangan ng mga reporma upang mapalakas ang proteksiyon sa mga consumer habang tinitiyak ang maayos at tuloy-tuloy na suplay ng kuryente.