BOMBO DAGUPAN – Pinakamagandang version. Ganito isinilarawan ni Atty. Francis Dominick Abril, Lega/ political consultant ang House Bill 9349 o Absolute Divorce bill.

Ayon kay Abril sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, sa nasabing panukala ay masisiguro dito na may grounds at hindi bara bara na konsepto ng diborsyo kung saan ay mabibigyan ng kalayaan ang mga mag asawa na hindi na masaya a at hindi na maaayos na pagsasama kaysa mas lumala ang gusot at madamay ang mga bata.

Paliwanag nito na sa absolute divorce, ay matutunaw ang bisa sa kasal kumpara sa legal separation kung saan paghihiwalayin lamang at hindi magsasama sa iisang tahahan ngunit mananatili pa ring kasal at hindi sila single ang status habang sa annullment naman ay mapuputol na talaga ang kasal.

--Ads--

Sa absolute divorce bill ay may kalayaan ang mag asawa na pumasok sa panibagong kasal at magkakaroon ng sariling buhay kung aprubahan ng korte ang kanilang petition na maghiwalay.

Samantala, wala pang katiyakan kung papasa senado ang House Bill 9349 o Absolute Divorce bill dahil sa pagbabago o pagpapalit ng liderato sa senado.

Sinabi ni Abril, na kasunod ng pagkakapasa nito sa Lower House ay wala namang kasiguruhan kung papaburan din ng Senado ang tuluyang pagpapasa nito.

Aniya, may mga agam agam na maaaring maaantala ang pag pruba sa sogie bill at divorce bill sa plenaryo sa senado dahil ang dating senate majority floor leader ay kilalang born again christian at inaasahan na ang pagkakaiba sa relihiyon at personal na pananaw sa buhay.
Sinabi nito na aabangan kung hanggang saan ang pagsuporta dito ng bagong liderato ng senado.