BOMBO DAGUPAN- Hindi nagbabago ang init ng kaguluhan sa Gaza.

Ganito isinalarawan ni Lovella Peronilla, Bombo International News Correspondent sa Israel, sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan kaugnay sa nais makamtan ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na ubusin ang mga terorista at mapalaya ang mga bihag ng mga militante.

Subalit, hindi umano tumutugma sa kagustuhan ng Israel ang inilabas na 3-stages hostage deal mula Estados Unidos.

--Ads--

Gayunpaman, sumasang-ayon pa din ang Israel sa tigil-putukan, maliban lamang sa pag-atras nila laban sa Hamas.

Hindi naman naniniwala si Peronilla sa inilabas na pahayag ng Estados Unidos na pinapahaba lamang umano ng Israel ang gyera.

Samantala, lalong tumitindi din ang kalagayan sa sagupaan ng Hezbollah at Lebanon kung saan mas nagiging aktibo ang paglulunsad ng mga rocket.

Nagiging doble aniya ang preparasyon ng bawat panig kaya alerto din ang kanilang pag-antabay sa mga kaganapan.

Ani Peronilla, mas malaki ang banta na dala ng Hezbollah kumpara sa Hamas dahil sa mga armas na gamit ng mga ito.