DAGUPAN CITY- May ilan lamang pagkakaiba ang pagdiriwang ng Semana Santa sa bansang Italy kumpara sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Demetrio-Bong Ragudo Rafanan, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, kabilang na dito ay ang hindi pagkain ng karne sa tuwing araw ng Sabado kung saan Biyernes ang nakasanayan ng mga Pilipino.
Maliban pa riyan, hindi rin katulad sa Pilipinas, sa araw ng Easter Maunday ang walang trabaho ang mga tao.
Sa araw naman ng linggo nagagawa ng mga tao na lumabas kasama ang kanilang pamilya dahil nagtatrabaho pa ang mga ito sa araw ng sabado.
Samantala, dinagsa ang mga simbahan sa nasabing bansa, partikular na sa Santuario della Madonna del Divino Amore o ang Sanctuary of Divine Love, upang ipagdiwang ang Palm Sunday.
Aniya, karamihan sa mga dumalo sa nasabing simbahan ay mga Pilipino. Patunay na kahit saan mapunta ang mga Pilipino ay hindi nito pinapabayaan ang pananampalataya sa Dyos.
Sa katunayan, linggo-linggo rin nagkakaroon ng banal na misa ang mga Pilipino sa Italy.
Sinabi naman ni Rafanan, sa tuwing sumasapit ang Holy Week ay hindi nawawala ang kanilang pagtitipon-tipon kasama ang kanilang mga pamilya at kaanak. At tuwing pagkatapos ng misa ay nagkakaroon sila ng salo-salo.