DAGUPAN CITY–Agad binawian ng buhay ang isang hinihinalang drug dealer matapos umanong manlaban sa kapulisan sa isinagawang buybust operation sa bayan ng Sta Maria, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Clark Nardo alyas Sky na residente ng Barangay Alac sa bayan ng San Quintin.

Si Nardo ay nasa listahan ng mga drug personality sa Tayug at San Quintin.

--Ads--

Isinagawa ang buy-bust ala 1:30 ng madaling araw ng Huwebes (July 18) ng mga tauhan ng Sta. Maria police station sa Barangay Cauplasan.

Ngunit sa halip na sumuko ay nanlaban umano ang suspek at bumunot ng baril.

Doon na nauwi sa engkwentro ang operasyon.

Nadala pa sa Eastern Pangasinan District Hospital ang suspek ngunit nasawi kinalaunan.