Pinangangambahan ng Samahan ng Industriyang Agrikultura (SINAG) ang maraming bilang ng mga magsasaka na maaring hindi muna tumuloy sa susunod na cropping dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa world market.

Ayon kay Engr. Rosendo So, ang chairman ng naturang samahan, dahil sa pag-angat ng halaga ng langis, marahil umano ay marami sa mga magsasaka ang hindi muna tumuloy na magsaka sa susunod na cropping dahil apektado ang kanilang magiging puhunan.

Batay umano sa kasalukuyang presyo ng urea, nasa 1800 pesos na ito at maari pang tumaas ng 2000 pesos dahil sa mataas pa rin na presyo ng langis sa world market ngayon.

--Ads--

Ipinaliwanag nito na dahil isang by-product ng langis ang urea o abono, ay sigurado din na tatas ang presyo nito na siya namang dagdag pasanin sa mga magsasaka.

Engr. Rosendo So, SINAG chairman

Aniya, kung ganoon umano ang sitwasyon, mainam na mag-import na ang Department of Agriculture (DA) ng sapat na abono na maaring magamit ng mga magsasaka sa susunod na cropping.

Dagdag pa ni So, nararapat din na mabawasan din ng 10 percent ng taripa ng krudo at gasolina sa Pilipinas para mabawasan ang pasanin ng magsasaka at maging ng iba pang sektor sa ating bansa.