BOMBO DAGUPAN – Mariing kinokondina ng Federation of Free Workers (FFW) ang hindi pagsipot sa committee hearing ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Atty. Sonny Matula, presidente ng nasabing grupo, dismayado sila dahil sa pagbalewala sa kautusan ng senado.
Kung nagkataon lamang aniya na ordinaryong mangagawa lamang si Quiboloy ay na contempt na.

Hindi aniya tama ang ginagawa ng ibang senador na pagbalewala sa proseso ng senado dahil maaaring pamarisan.

--Ads--

Nananawagan ang samahan kay Quiboloy na humarap at maaari niyang gamitin ang kanyang mga karapatan na sagutin ang mga katanungan

Hnihimok rin ng grupo na kung siya ay naniniwala sa katotohanan at katarungan, ay kusang-loob na lumapit.

Anila, kung mananampalataya ito ay dapat siyang lumapit sa liwanag at hindi manatili sa kadiliman.

Naniniwala naman sila na ang katotohanan at katarungan ay dapat manaig, at ang mga walang itinatago ay dapat na kusang-loob na sumailalim sa pagsisiyasat para sa kapakanan ng transparency at pananagutan.

Giit pa ni Matula na sila ay naninindigan kasama ang mga biktima at lahat ng mga naghahanap hustisya.